Reaction on Yankee Doodles
Noong ika-31 ng Hulyo, ako, kasama sa ilang mga kaibigan, ay nagtungo sa Cultural Center of the Philippines (CCP) upang makita ang exhibit na Yankee Doodles. Bago kami makarating sa Bulwagang Juan Luna kung saan nandoon ang exhibit, nagkaroon kami ng pagkakataon upang makapag-ikot sa CCP. Una naming napuntahan ang exhibit ng mga batikang aktor at aktres. Nakita rin namin ang mga magagandang gawa para sa komiks na Darna. Sa pagpasok namin sa exhibit, una kong nakita ang mga banner na nakasabit. Nandoon ang iyong mga mababasa tungkol sa pamamahala ng mga Amerikano dito sa Pilipinas. Nakasulat rin doon ang mga napagusapan na sa klase tulad ng “Manifest Destiny” at iba pa.